Martes, Enero 10, 2012

"Daing ng nagsisisi"

      ni Jessa Suganat :)




Tagubilin ng magulang
Winaksi saking isipan
Hagupit ng kamalian        
Dalangi'y maalpasan


Sumisikat man ang araw
Bukas 'di parin matanaw
Nais ko sanang balikan
Nakakapilay na daan


Luha'y nais mang pigilan
Takasan ang nasadlakan;
Sarili'y di malilinlang
Mali ang napiling daan


Binabagabag man ako
Ng mga kamalian ko,
Poong Bathala ng mundo
Patnubayan mo po ako!!!


♥Sukat---4 na saknong
            ---4 na taludtod bawat saknong
           ----8 pantig bawat taludtod .
♥May tugma sa bawat saknong.  




-:(thanks po..own comp.hehe)